Ang Lupit
Martes, Setyembre 10, 2013
Biyernes, Setyembre 6, 2013
Piring
piring
may mga bagay na sadyang doon na lamang
hindi man lamang nakapagsimula
mahina ang loob, masama ang pakiramdam
ang init at poot ay walang pagdaluyan
Sa pagkakataon
Sa pagkakataon
Kailangan mamili: tungo sa ilaw at dilim
Maliwanag at nakakapaso ang liwanag
Malamig at nagiisa
Sa dilim kung saan puwede kang humiyaw
Tanging ikaw lamang ang nakakaalam
Na sa liwang ay walang liwanag
Sa dilim ay walang dilim
Nakakabulag ang pagkakataon
Ang pagkakataon ay bumubulag.
Miyerkules, Setyembre 4, 2013
memorya
Memorya
Ako’y may kakilala
Pakiwari ko lng naman, pansamantala
Pero bakit ba?
Wala din namang makakapansin
Sa oras,minuto’y lilipas
Magiiwan ng bakas
Sambitin ng paulit ulit
Paulit ulit sambitin
Ang Oras, minuto’y hindi lilipas
Ako’y may kakilala
Kakakita ko lamang sa kanya.
Martes, Setyembre 3, 2013
Kape
Kape
Patuloy na nangingiling ang unan at kumot
Halimuyak ng nagdaang gabi
“magulo na pala ang bintana”
nagsisimula na ang mundo sa labas
Yakapin ang nakalipas
Gayak at payak
Papanaog sa indayog ng susunod na kabanata
Sisilip sa kurtina yagak yagak ang buong hikab
At unat sa paa
Napakasarap umihip at lumagok ng maitim na tasa.
Lunes, Setyembre 2, 2013
Alikabok
alikabok
Lahat ay nagsisismula sa wala
At lahat ay magtatapos sa wala
Sumutsotsutsot sa madla
Pagbawi ng mga dula
Kahapon nakita ko ang manong na sumisigaw
“malapit na ang katapusan!”
sabay himas sa kanyang tiyan
Ng alin?
“Nang pagbabago marahil.”
Sa kasasalita napako ang lahat sa wala.
Huwebes, Agosto 29, 2013
Miyerkules, Agosto 28, 2013
Unang Pahimakas
Unang Pahimakas
umaangging letra
naghahanging tinig
sa saliw ng agunyas
at ngbabadyang
amihan
kausapin ang tahamik na durungawan
dinggin sa lupa
ang lagapak ng hamog
sa
ilalim ng
ambon
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)